142 views
2 comments

Wala po akong pipiliing rating sa lahat ng category na pagpipilian sa baba na rate tungkol sa Entrego. Kahit 1 star hindi naman deserving.

Hindi professional ang mga namamalakad at nag-ooperate ng Entrego. Hindi sila sumusunod sa schedule ng delivery, hindi marunong mag update ng status ng delivery. Nai-stock lang sa bodega nila yung item mo. Papalipasin nila ang isa o dalawang linggo bago nila ma-deliver at magrereklamo pa sa iyo bilang customer nila na ang bigat at ang laki ng idedeliver nilang item na inorder mo.

Umayos naman kayo. Gawin nyo ng maayos ang serbisyo nyo. Kung hindi rin lang eh tumiwalag na kayo sa mga online shopping business at kawawa naman yung mga customer na naghihintay ng inorder nila. At kawawa din yung mga seller, nababawasan ang benta nila pag di na deliver ang order sa kanila.

LAZADA PHILIPPINES pakiusap po ihinto nyo na po ang pakikipag-tie up nyo sa Entrego. Nakakasira ng negosyo yang serbisyo na ginagawa ng Entrego.

Product or Service Mentioned: Entrego Philippines Delivery Service.

Preferred solution: Close Lazada its tie up with Entrego.

Lazada Philippines Pros: No pros.

Lazada Philippines Cons: Poor and slowcustomer service, Unprofessional.

Do You Have Something To Say ?
Write a review

Comments

You will be automatically registered on our site. Username and password will be sent to you via email.
Post Comment
#1832888

Hello PissedConsumer1807218, we understand your disappointments and we apologize for the delivery issue that you encountered from one of our courier's. For us to settle this matter the soonest, may we know the order number that is associated with your concern?

For more questions and updates, you may reach us via our Contact Us page at http://bit.ly/2u8lDFO.

You may also reach us via our Social Media accounts such as Facebook, Twitter, IG, Youtube and Google+, LIVE Chat is available from 8am-5pm Mondays-Fridays. Regards!

#1834758
@lazadaph

Magandang araw sa Lazada. Maraming salamat sa inilaan ninyong oras sa pagbasa at pag reply.

Gayun pa man hindi na po ako interesado sa item na inorder ko sadya ko pong ipina-cancel na. At kung may problema po sa sistema ng Entrego at sa mga nagtatrabaho po dito ay huwag na nilang idamay ang mga customer at client na nag order online. Ako po ay patuloy pa din na tatangkilik sa pagbili sa online store hangga't madami po ang pagpipilian na mga items at mga seller. Ngunit kung maaari po sanang karagdagang option o system sa pagpili ng courier service.

Ako po ay nakaranas na umorder online direct sa US at maraming beses din po yun at may 3 options po o mga logistics company ang maaaring magdeliver ng ordered item. Client o customer po ang pipili ng gusto nilang courier service o logistics company na magdedeliver ng item nila sa mga prices din po na ipinapataw ng bawat logistics company. Magkaroon po sana kayo ng meeting ng mga delivery service o courier service na naka-tie up sa inyo.

Sana po ay pataasin nyo po ang quality ng delivery service at pakitama nyo na po ang mga ETA ng delivery kung yun po ang kayang oras talaga na mai-deliver dun lang po tayo sa tamang impormasyon. Salamat po.

Lazada Philippines Reviews

  1. 1827 reviews
  2. 726 reviews
  3. 575 reviews
  4. 236 reviews
  5. 172 reviews
Lazada Philippines reviews