Not resolved
3 comments

Sobrang sama ng experience ko with my most recent purchase. Scam na scam ang datingan ng Lazada.

After mong maperahan, wala na. Mapapamura ka na lang. - Bumili ako ng phones of the same model nung Online Revolution nila, Nov 11. Nung na-deliver ng yung order, hindi nila inupdate yung status ng isa from "Shipped" to "Delivered" kaya nung need kong i-return yung item dahil sa defect, hindi ko makuha yung link required para makapag-return.

Kinailangan ko pang maghintay ng ilang araw para lang i-bypass nila yung requirement nila na yun. - Nung nai-return ko na yung item last Nov 22, nakipagturuan pa yung Lazada with LBC dahil di nila malaman kung nasaan yung item. - Nung nakarating na yung item sa warehouse nila, ang tagal para ma-evaluate yung issue with the product. At nang ma-evaluate dine-deny nila ang issue sa screen ng item when nung unang bukas ko pa lang ng unit, noticeable na ang problem.

Especially pag itinabi mo yung unit dun sa kasabay nyang phone. - Ilang beses akong nag-request ng re-evaluation dahil puro walang kwenta ang sinasabi nilang reason. From bawal daw yung change of mind - may defect yung item ko, hindi change of mind - to sira daw yung packaging. Ni hindi ko nga nailabas lahat ng contents ng box, dinoble ko pa yung bubble wrap, tapos sasabihing sira ang packaging?

Kung nasira ang lalagyan, sa nag-handle na sa warehouse yun. Still ang tagal ng aksyon nila sa issue. - Sobrang dami beses ko na silang kino-contact. Nagmumuka na akong tanga kaka-follow up.

Puro pinaghihintay lang ako. Ganto lagi ang scenario ko for 2 months. Na-fed up na ako kaya sabi ko ibalik na lang sa kin ang item at ako na ang magpapagawa, since nagbubulag-bulagan naman sila. - Last Dec 31, may natanggap na akong email, stating na ibabalik na raw yung item within 7 calendar days.

7 days na yung lumipas, wala pa rin. At ngayong Jan 16 na wala pa rin. Hinihintay pa raw yung feedback ng validations team. E para saan yung email?

So ganun pa rin ang siste, pinaghihintay pa rin ako. Escalated na raw yung issue pero 2 months na akong naghihintay. Hindi na makatarungan tong ginagawa sa kin ng Lazada. For all I know baka ginagamit na ng tauhan nila yung phone na ni-return ko.

Sila mismo ang sumisira ng policies nila. Customer protection? Kalokohan. Di ko naramdamang protected ako.

Ayaw nyong i-recognize ang defect ng unit, ayaw nyo pa ring ibalik yung item sa kin. Lazada, ibalik nyo na lang ang pera ko kung di nyo to aayusin. Siguro naman right ko nang hingin yun after ng nangyari sa kin.

Ang dami nang nagrereklamo sa returns team nyo and yet wala kayong ginagawang aksyon. Hinahayaan nyong magtagal yung mga gantong klase na issues.

Review about: Cell Phone.

Reason of review: Damaged or defective.

Monetary Loss: $6500.

Preferred solution: Product replacement or full refund.

Do You Have Something To Say ?
Write a review

Comments

Terms of Service
Post Comment
Cancel
LazadaPH
#1425984

Hi Timidyo,

We apologize for the inconvenience that may have caused you about your order. May we know your order number for us to check the status of your item? For further assistance, you may click this link http://bit.ly/2xAl213 or you may also reach us via our Social Media accounts such as Facebook, Twitter, IG, Youtube and Google+, LIVE Chat is available from 8am-5pm Mondays-Fridays.

Regards!

Timidyo
to LazadaPH #1426918

Order number 372265841. Lenovo K6 Note Gray ang item.

Ilang beses na akong nagcha-chat pero puro follow up lang nangyayari saka lagi na lang akong pinaghihintay. Dec 31 ang unang email sa kin na ibabalik daw ang item, Feb 2 na, lumipas na naman ang isang buwang walang nangyayari. Mahigit 2 months na to ha.

Yung totoo? Tapos pag hihingin kong ibalik na lang sa kin ang bayad ayaw pa rin?

LazadaPH
to Timidyo #1443314

Hi Timidyo,We understand how you feel, we’re very sorry. May we verify kung natanggap niyo na po yung item? For more questions and updates, you may reach us via our Help Center page @ http://bit.ly/2F2n6PH.You may also reach us via our Social Media accounts such as Facebook, Twitter, IG, Youtube and Google+.Thank you so much.

You May Also Like