Not resolved
1.2
Details
Customer service
Delivery Service
Discounts and Special Offers
Diversity of Products or Services
Exchange, Refund and Cancellation Policy
Price Affordability
Product or Service Quality
Turnaround Time
Warranty
Website
0 comments

Umorder po ako sa kanila ng cellphone worth 3550, Feb 5 dumating yung order ko and upon checking of the item, lahat kumpleto except battery, wala pong battery yung inorder ko. Kinabukasan, binalik ko po yung item sa LBC and it takes 7 days bago nila narecieve yung item.

For replacement po yung sinulat ko sa return form, and they notified me that the item is out of stock kahit na meron pang stocks sa website nila. I think isa to sa paraan nila para mautakan mga customers nila. Sasabihin nilang out of stocks, and tatanungin ka if gusto mong voucher nalang yung refund para hindi mo na maiapply yung mga discout voucher nila so that kung ano talaga yung price ng item dun mo siya mabibili. So nag-agree na ako na gift voucher nalang yung refund, sabi nila it will take 1-2 days lang.

But now 1 week na and still wala pa rin yung voucher ko. Ilang ulit kong pina-follow up sa email and puro pasensya nalang natatanggap ko. Kahit ano yatang sabihin mo wala silang pakialam. Dahil nasakanila na yung pera, paghihintayin ka nila kung kailan nila gustong ibigay yung refund mo.

Sobrang nakakadismaya! Nagamit mo na sana ng matagal ang pera mo sa ibang mga bagay, pero dahil sa kanila wala kang magawa. Kasalanan naman nila na may mga missing items sa binili mo, pero parang wala silang pananagutan. Ang importante sa kanila ay yung kita nila.

Nawala na yung tiwala ko sa kanila dahil dito.

Sana bumalik sa kanila mga ginagawa nila sa costumer nila. Ayaw ko ang nagagalit at nagsasalita ng masama pero dahil sa inis ko sa kanila eto para sa kanila.

Product or Service Mentioned: Lazada Philippines Website.

Reason of review: Poor customer service.

Monetary Loss: $3550.

Preferred solution: Full refund.

I didn't like: Poor customer service.

Do You Have Something To Say ?
Write a review

Comments

Terms of Service
Post Comment
Cancel

You May Also Like